tell the story of our country  after 60 years of independence Booklet of KIBAKA Membership Details - How to Become a Member Ang Tungkol sa KIBAKA - About KIBAKA

Member Registration KIBAKA Members KIBAKA Chapter Chairman Photo/Video News Gallery

Diagram of the Program For Change   Send Us Your Message

KIBAKA - Kilusang Balik Kaayusan para sa Kinabukasan ng ating mga Anak at Kabataan. Ang susunod na Henerasyon ng Bansang Pilipinas.

Kahirapan ang dahilan


Nakakalungkot ang naging pasya ng isang batang babae na dahil sa kahirapan sa buhay ay nagpasya na lamang na magpakamatay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal.

Ang 11-anyos na si Mariannet Amper, tubong Davao City, ay nag-suicide dahil sa labis na kahirapan. Karukhaan ang nagtulak sa biktima para tuldukan na lamang ang kanyang buhay.

Natagpuan mula sa higaan ng biktimang nasa ika-anim na baitang ang isang ‘diary’ at isang liham para kay Vicky Morales, ang host ng programa sa GMA Network na "Wish Ko Lang".

Sa kanyang sulat kamay ay hinihiling nitong magkaroon siya ng bagong sapatos, bag at hanapbuhay para sa kanyang jobless na tatay at sa nanay niyang paekstra-ekstra lang sa paglalabada.

Pangarap nitong makapagtapos sa pag-aaral at gustong makabili ng bagong bike para hindi na mamasahe pa at gawin na lamang itong ‘service’ sa pagpasok sa eskuwela. Ngunit dahil nga sa kasalatan sa buhay ay napilitan na lamang na kitilin ni Mariannet ang kanyang buhay.

Nakakalungkot isipin na sa murang edad ay mawalan na agad ng pag-asa ang gaya ni Mariannet. Nagkataon pang nagpakamatay ito sa ginaganap na food summit, sa pangunguna ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang layon ng pagpupulong ay maresolba ang kagutuman sa liblib na bahagi ng bansa.

Ilang beses na bang nangako ang ating Pangulo na reresolbahin ang kahirapan partikular na ang kagutuman?

Hindi nga ba’t sa pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) ay lumitaw na lima sa bawat 10 pamilyang Filipino ang sumasala sa oras ng pagkain.

Sa kabuuan ay tinatayang 9 milyong pamilyang Pinoy ang naghihikahos at kapos sa pagkain sa araw-araw.

Ang masakit, sa halip na seryosohin at upuan ang inaamag nang problemang ito ay optimistiko pa ring nanindigan ang Palasyo na lowest rating pa rin ang average percentage rating ng pamahalaang Arroyo sa usaping self-rate poverty kumpara sa tatlo pang nagdaang pangulo. Pambihira!

Simple lang ang mga pangarap ni Mariannet pero naipagkakait dahil sa talamak na kurakutan ng pamahalaan gaya ng pagmumudmod ng salapi sa mga pulitiko bukod pa sa nakakahiyang issue na nangunguna ang mga Pinoy sa Southeast Asia, sa paglaklak ng mamahaling mga alak.

 

 
If you have any comments, suggestions, corrections, praises and criticism, please let us know but we will appreciate it more if you can contribute as well. For example, if our statements are wrong, please inform us about the right one. If you think our information is incomplete, please give us the additional one, if there is a broken link please informs us about the error page. If you'd like to join with us, involve with or support KIBAKA, please read and understand the KIBAKA website and our messages. Thank you!

To know More About KIBAKA's Goals and Mission, Please Subscribe to KIBAKA Newsletter

Powered by groups.yahoo.com

 

the beginning || about us || ang KIBAKA || a membership call || e-book
newsletter || member registration || KIBAKA members || KIBAKA Chapter Chairman 

  Photo/Video News gallery ||send us your message || diagram of the program for change
exclusive reply from our government officials
inspiring letters of anybody who supports KIBAKA movement



390 Dixon Rd. Suite#315, Etobicoke Ontario M9R 1T4 Canada

Join KIBAKA - Baguhin ang bansa para sa kinabukasan ng inyong mga apo at mga anak!