"ANG KIBAKA"
"A Non-Profit-Non-Political-Non Religious Movement"
Mayroong Tatlong Layunin na Itinataguyod.
KAAYUSAN-KARANGALAN-KABUHAYAN
Unang layunin, ibalik nating lahat, "KAAYUSAN"
sa ating Pamahalaan. Linisin, alisin at labanan lahat ng mga
Magnanakaw Sa Ating Pamahalaan, alang-alang sa ating bansa, at sa kinabukasan
ng ating mga anak at kabataan, ang susunod na mga bagong Pilipino.
Pangalawang layunin, ibalik ang "KARANGALAN"
sa Pamahalaan at sa lahing Pilipino sa pamamagitan ng katapatan sa tungkulin,
sipag at tiyaga, at ng igalang ang ating lahi.
Magka-isa bilang "Isang Pilipino, Sa Isip, Sa Salita, Sa Damdamin
at sa Gawa"!
Pangatlong layunin, isa-ayos ang "KABUHAYAN"
ng bawa't pamilya sa mga baryo. Turuan at bigyan ng "HANAP-BUHAY
AT MAKAKAIN" ang lahat ng mahihirap. Maibalik ang dating kasaganaan
sa lahat ng sulok at lugar sa ating bansa, ng walang Pilipinong maghihirap
at magugutom sa kanyang sariling bayan.
Ang "Kilusang Balik-Kaayusan" o "KIBAKA"
ay walang halal na mga pinuno at hindi kami nanghihingi ng abuloy na
salapi sa aming mga kasapi. Ang lahat ng sasapi sa Kilusang ito ang
gaganap na mga Taga-Pagtatag at Taga-Pagtugma (Organizer and Coordinator)
sa kanilang mga siyudad, bayan o baryo.
Ang kanilang mga tungkulin ay, ang unang dapat na anyayahang sumapi
dito sa "Kilusang Kibaka" ay mga kamag-anak, kapit-bahay at
mga kaibigan upang makilahok sa "PAGBABAGO"
na ating isasagawa sa kabuuan ng Bansa at aming inaasahan na ang bawa't
sasapi ay tutuparin ang tungkuling ito na maikalat sa lahat ng sulok
at lugar ng bansa Ang Kilusang Kibaka.
Sa pagsisimula ng Kilusang ito mayroong dalawang mahalagang hakbang
na dapat maunawaan ang lahat ng mga magsisi-sapi dito.
Una: Sa mga siyudad at bayan sa bansa,
kailangang ipaliwanag ang layunin ng Kilusang ito sa mga kamag-anak,
kapit-bahay at mga kaibigan upang sila ay sumapi.
Isabit ang poster ng Kibaka sa bawa't bahay, tanggapan o Paaralan upang
labanan ang dahilan kung bakit tayo ay naging ganito. Ito ay ANG SAKIT
NA LAGAY. Ang pumapatay sa ating Bansa at "Nagwawasak at Sumisira"
sa Pag-asa at Kinabukasan ng ating mga "Anak at Kabataan".
Ibalik sa mga Pilipino at Bansa "ANG KARANGALAN"
na sinira ng lumalang sakit na ito,
Isabit sa bahay at tanggapan "ANG
HULING PANAWAGAN" ng malaman ng lahat ng tao ang tunay
na dahilan kung bakit tayo at ang ating bansa ay umabot sa ganitong
kalagayan.
Pangalawa: Tumulong at pagsikapan na itaguyod
at tangkilikin sa mga mahihirap na mga baryo na maitatag ang "SAMAHANG
PANG-KABUHAYAN".
Mga may hanap-buhay at may kaya, tumulong na itayo ito upang mabigyan
ng hanap-buhay at makakain ang mga mahihirap sa baryo. Mayroong "Pondo"
na magagamit kung aasikasuhin ng mga nanunungkulan buhat sa Barangay
Kabataan Fund at Barangay Fund na nakalaan sa mga baryo ng Bansa.
O kaya ay tumangkilik ang bawa't isang kasapi ng isang mahirap na kamag-anak
at bigyan ng mga buto ng gulay at halaman na maitatanim sa kanilang
mga bakuran o pares ng mga hayop na sariling atin tulad ng manok at
baboy tagalog, itik, bibi, pato at kambing na hindi maaapektohan ng
bagyo. Hanap-buhay at Pagkain sa mahihirap. Buod ng Samahan "Gulayan
sa mga Bakuran-Hayupan sa Mga Baryo" na tulong sa kanila.
|