|
||
|
|
||
|
|
|
To view the portable data format copy of the Kilusang Balik- Kaayusan E- Book and Newsletter, you need to have the Adobe Acrobat Reader. |
|
ANG CITIZENS ALLIANCE OF MANILA FOR PROGRESS Carmencitha A. Mercadejas Kibaka Regional Chapter Chairman-Manila Levie A. Alamis Kibaka Chapter Chairman-Quezon City Ang isang kapus-palad o isang maralita, kapag wala siyang malapitan sa gitna ng kanyang kagipitan ay gagawa ng anumang bagay na illegal at immoral manatili lamang na buhay. Sanhi ito ng paglobo ng bilang nga prostitusyon, nakawan at krimen. Sa pagdami sa ngayon ng bilang ng mga nagugutom o minsang sa isang araw na lamang kumakain, parami ng parami ang bilang ng may tuberculosis at maseselang sakit na din a maipagamot ang sarili sanhi n grin ng tatlong ulit na pagtaas ng presyo ng gamut at pa-ospital. Tumindi rin ang bilang ng mga walang hanap-buhay at minsan lamang magkaroon ng pagkaka-kitaan. Ito ang nagtulak sa mg lider ng komunidad sa Maynila na pina-ngungunahan ng magkapatid na Levie B. Alamis at Citha Mercadejas, upang itatag ang CITIZENS ALLIANCE OF MANILA FOR PROGRESS o CAMP. Niyakap ng CAMP ang responsibilidad na pangunahan sa Maynila ang TUNAY NA PAG-KALINGA SA MARALITA NG LUNGSOD. Sa darating na lingo, Septyembre 25, 2005, ang di kukulangin sa limampung (50) lider buhat sa anim (6) na Distrito ng Maynila ay magkikita upang manumpa sa isusulong nito ang kanilang adhikain at pormal na deklarasyon na pakiki-isa sa KILUSANG BALIK-KAAYUSAN (KIBAKA). Inaasahan ang pagdalo ng isang panauhing pandangal na si HON. RUDY BACANI, makabayang kinatawan ng mamamayan ng Sampaloc District IV. Gayundin mapalad ang CAMP sapagka’t ang mga magiging kasapi nito ay awtomatikong kasapi-benipisyaryo ng CHINESE-FILIPINO HUMANCARE FOUNDATION, INC. PANGUNAHING LAYUNIN: IBALIK ANG DANGAL AT DIGNIDAD NG ISANG KAPUS-PALAD AT TULUNGAN ITONG IAHON SA KAMUNOY NG MATINDING KAGUTUMAN AT KAHIRAPAN. PARTIKULAR NA MGA LAYUNIN: 1. Organisahin ang mga maralita ng Lungsod ng Maynila at buhayin ang kanilang pag-asa na mayroong mga maka-bayang Pilipino sa loob at labas ng bansa na handing magkaloob ng kanilang mga serbisyo, talento at yaman tungo sa pagbabalik kaayusan at pag-unlad ng bawa’t Pilipino.
2. Palakasin ang matapat na ugnayan sa pagitan ng CAMP at lahat ng mga respetadong samahang sibiko at mga kilusang ngsusulong ng kabuhayan at sama-samang ibangon ang dangal ng pagka-pilipino. 3. Palakasin ang pakikipg-ugnayan sa mga may integridad at may malinis na record na mga opisyal ng pamahalaang local at nasyunal upang katulungin sila sa pagpapa-laganap ng adhikaing “WALANG PILIPINO NG DAPAT MAGUTOM SA SARILI NIYANG BAYAN. 4. Magtayo ng sentrong lugar na paglalagyan ng Headquarters ng CAMP upang mapabilis ang pagbibigay ng mga serbisyo at binhing nakatanim sa mga paso na pagya-yamanin ng mga kasapi-benipisyaryo. 5. Simulan at tiyaking tuloy-tuloy ang kampanyang “Labanan ang Kagutuman, pag-yamanin ang mga binhi sa mga bakuran”. 6. Magsagawa ng maraming distribusyon ng mga binhi na makakain sa hinaharap sa lahat ng kolonya ng mga lugar ng maralita ng lungsod. 7. Magdaos ng mga pagsa-sanay sa “Kaisipang Entreprenaryo” at patatagin ang pundsyon ng isip ng bawa’t kasapi-benipisyaryo na magtiwala sa sarili at patuloy na mangarap ng kaayusan. 8. Pasimulan ang pagbabago sa sarili tungo sa nina-nais na pagbabalik ng kaayusan. 9. Aktibong lumahok sa paglaban sa lagayan-kotong at krupsyon na siyang nagwawasak at sumisira sa pag-asa at kinabukasan n gating mga anak at mamamayan. Lahat ng bagay na kasapi-benipisyaryo ay magpapaskel ng malaking poster na nasulat ang ganito:”ANG LAGAY, BAY..” AYAW NAMIN SA BAHAY NA ITO. MGA PROGRAMA AT SERBISYO Sa tulong ng ugnayan ng CAMP sa Chinese-Filipino Human Care Foundation, Inc., ang lahat ng aktibong kasapi ng alyansa ay siyang mayroong prioridad na mabiyayaan ng mga sumusunod na programa at serbisyo ng Foundation: a) Medical Assistance/Intervention b) Children/Youth Outreach c) Scholarship (Elementary, High School at College) d) Day Care Services e) Foster Care Services f) Protective Services g) Employment Assistance h) Emergency and Other Assistance i) Financial Assistance Sa ugnayan naman ng CAMP sa Kilusang Balik-Kaayusan (KIBAKA), isang International na Kilusan ng mga makabayang kapatid na Pilipino, pagtutulungan na maipag-tagumpay ang pilot project na kampanya LABAN SA KAGUTUMAN sa pamamagitan ng sama-samang pagtatanim sa mga paso, lata at gulong ng mga binhing magiging pgkain. Isusulong din ang pg-aalaga ng mga hayupan sa mga distrito na paborable sa ganitong hanap-buhay. Ang mga may-ari ng mga bakanteng lote ay hihikayatin din na ipgamit sa CAMP ang lupa upang mataniman. Gayundin, sisimulan na ang konsultasyon ng CAMP sa mga Principal ng paaralan sa bawa’t distrito para sabayan ang isasagawang taniman. Sa ugnayan naman sa mga opisyal ng pamahalaang local at nasyunal na nakiki-isa at naniniwala sa adhikain ng CAMP-KIBAKA, ang paghingi ng mga donasyon para sa paso at iba pang mga gagamitin sa taniman ay isusulong upang mapondohan ang kampanya. Magdaraos din ang CAMP ng panlipunang kaalaman (social awareness campaigh) hinggil sa kalagayan at pangangangailangan ng mga kapus-palad na mga kapatid na Pilipino para kung papaano naman makaka-tulong ang pribadong sector. NARITO ANG TALAAN NG MGA SUMUMPA NA CAMP-KIBAKA CHAPTER CHAIRMAN SA ANIM NA DISTRITO NG MAYNILA EDWIN M. CAFRANCA Manila District III Chapter Chairman VIRGINIA S. RELOTA Manila District IV Chapter Chairman 840 J. Marzan St., Sampaloc, Manila CARMENCITHA A. MERCADEJAS Manila Distict VI Chapter Chairman Kibaka Regioanal Chapter Chairman-Manila 1525 Candida St., Pandacan, Manila JESUSITO BLUE ALAMIS II Regional Chapter Chairman-Youth & Students Sector 1515 Candida St., Pandacan, Manila NORA M. ILAGAN Manila District IV Barangay Coordinator 2559 J. Posadas St., Punta, Sta. Ana, Manila
Ang CAMP- KIBAKA Young Entrepreneurs kasama ang Pangulo ng Chinese-Filipino HumanCare Foundation, Inc., (CFHFI) at ang Pangulo ng Philippine Independent Media Association (PIMA) Mula sa kaliwa: Mr. Jacinto Ang, Pangulo ng CFHFI, Engr. Vincent Cagdac, Sugar Baladjay, isang lider sa Pandacan (nasa likod), Ka Raffy Bustarga, naka salamin (Pangulo ng PIMA), Blue G. Alamis at si Arby Baladjay
Ang
mga kasapi ng CAMP-KIBAKA. Ang nasa gitna na nakasuot ng Chrome Yellow
ay si Ka Citha Mercadejas nasa likod niya si Congressman Rudy Bacani ng
District IV ng Maynila (nakasuot ng pink polo shirt) at katabi ni Ka Citha si Ka Raffy Bustarga, Pangulo ng PIMA MGA
LARAWAN NA GINANAP SA PULONG AT HALALAN NG “ANG
CITIZENS (An
Affiliate of KIBAKA Makikita
sa dalawang larawan
ang mga kasapi
Ang
Pamunuan ng
CAMP-KIBAKA na sumusumpa Carmencita
A Mercadejas Camp-Kibaka Regional Chairman Manila
Maryline
J. Aquino
Nora M. Ilagan Secretary
Treasurer
Edwin
M. Cafranca Francisca
G.Netorio Deputy
Chairman of Federation
Edmundo O. Mercadejas Ruffy Navo Bustarga Chairman Media Affairs National Chairman, President
Philippine Independent Media Association Jesusito
B. Alamis Regional
Chairman, QC
G. Arnold R. Gaddi
Engr. Armand
Chapter Chairman Chapter Chairman Brgy. East Kamias- Q.C. Brgy. Bagong Silangan
MGA
PULONG NA GINANAP NG CAMP-KIBAKA
Pulong sa Brgy. East Kamias
Ang Pulong ng CAMP KIBAKA sa Brgy. Bagong Silangan Quezon City
|
||||||
| If you have any comments, suggestions, corrections, praises and criticism, please let us know but we will appreciate it more if you can contribute as well. For example, if our statements are wrong, please inform us about the right one. If you think our information is incomplete, please give us the additional one, if there is a broken link please informs us about the error page. If you'd like to join with us, involve with or support KIBAKA, please read and understand the KIBAKA website and our messages. Thank you! | ||||||
|
the beginning ||
about us ||
ang KIBAKA ||
a membership call ||
e-book Photo/Video News gallery ||send us your message ||
diagram of the program for change
|
|
KIBAKA
is looking for |
If
you'd like to support Or you may DISTRIBUTE
|
Sponsor Links |