Photo/Video News Gallery - Members' Testimony
Manukan sa Likod at Gilid ng Tahanan
Gng. Buena
A. de Guzman, Member-KIBAKA, Brgy. Sta. Cruz, Angat, Bulacan
Taong
2000 ng umuwi ang aking panganay na anak, buhat sa Toronto, Canada.
Siya ay kasapi sa Kilusang KIBAKA. At sa kanyang payo at paliwanag,
ako ay ibinili ng tatlong dumalagang manok tagalog at isang katyaw,
na aalagaan at padadamihin. Sapagka't wala naman akong malaking bakuran,
ipinagpatayo ako ng mga kulungan sa likod at sa gilid ng aming tahanan.
Makikita sa mga larawan
(1) ang kulungan ng mga bagong pisang inakay na sisiw, (2)ang lumalake
na mga manok sa isang kulungan, (3) ang mga lalakeng manok na aking
ipinagbibili at babaeng manok na pina-iitlog. Sapagka't
ang aking mga manok ay pinalake samga pagkain na walang halong gamot
at kemikal (organically grown), nabibili ang mga ito sa halagang Php
100-150.00 ang isa. (4) ang mga itlog na aking napupulot sa araw-araw
na
mabilis mabili dahilan sa itlog ng "native chicken" ay umaabot
na sa ngayon ng 30-40 isang araw. Nabibili ng Php 4.75 ang bawa't isa.
Mayroon akong 70 manok na kasalukuyang pinai-itlog. Malaking tulong
sa mga mahihirap at walang hanap-buhay ang pag-aalaga ng mga manok tagalog.
GULAYAN SA SARILING BAKURAN
Gng. Marilyn
E. Gamboa, Member-KIBAKA Enriqueta Subdivision, Baliuag, Bulacan
Matapos kong mabasa "Ang Aklat ng Kilusang Balik-Kaayusan",
aking
napag-isipan na wala namang mawawala sa akin kung susunurin ko ang payo
sa aklat na "Magtanin ng mga Gulay at Halaman" sa aking bakuran.
Magandang libangan at makatutulong sa bawas ng gastahin sa pagkain
sa araw-araw. Kaya aking sinubok na mag-gardening sa aming bakuran.
Una kong itinanim ang mga sangkap araw-araw na kailangan sa pagluluto,
tulad ng siling palay, luya, gabi, papaya, kamyas,
bayabas, mga gulay na madaling tumubo, tulad ng upo, patola, bataw,
sigarilyas, petsay, talong, okra at iba pa. (Clockwise) Makikita sa
larawan (1) aking tanim na mga gulay, (2) balag na gagapangan ng mga
halaman. Sinubukan kong (3) itanim sa paso ang isang uri ng "sili"
na madami kung mamunga at magandang palamuti sa bahay. Akalain mong
ng makita ng aking mga kaibigan ay binibili ng Php 75.00 ang bawat isang
paso. May pagkain na, may hanap-buhay pa ang gulayan sa bakuran!
More Member's Testimony Picture Gallery (Page1)
(Page2) (Page3)
Go Back to Photo/Video News Gallery Main
|
| If you have any comments, suggestions, corrections,
praises and criticism, please
let us know but we will appreciate it more if you can contribute as
well. For example, if our statements are
wrong, please inform us about the right one. If you think our information
is incomplete, please give us the additional one, if there is a broken
link please informs us about the error page. If you'd like to join with
us, involve with or support KIBAKA, please read and understand the KIBAKA
website and our messages. Thank you! |