HULING PAALAM
Ni Joseph
"Jose Velarde" Estrada
(Pasintabi kay Dr. Jose Rizal)
Adios bayang
aking pinagnakawan,
Paalam bayang binusabos ng aking mga kaibigan.
Mutyang
dinusta't hinalay ni Atong Ang.
Aalis akong batbat ng puna't
kahihiyang
Isinabit ni Chavit, alang kwentang tsokaran!
Sa malawak na
lansangan mula Edsa't Mendiola,
Sambayanang galit ay nag-aalsa
na,
Sumisigaw silang ako'y mag-resign na
At kung magmamaugas ako'y
sisipain nila
Sa kangkungan pupuluting tila mabahong basura.
Akoy
namamaalam upang dilira ay mapawi,
Sa bayang ito na sobra nang sawi.
Baka
sakaling ekonomya'y makabawi
Kapag nawala na mga barkada't kroni,
At mga
kalaguyong kagaya ni Laarni.
Simula't sapul akoy may simpleng
pangarap
Kuwarta't babae, mga mansion ak o'y makakalap
Kaya naman
lubos-lubos aking pagsisikap.
Walang inatupag kundi ang pangongotong,
Sa
huweteng at two-ball, Abu Sayaff at kuratong.
Kaya nang nahalal na maging
pangulo,
Tinipon ang barkada, kakosa't kalaguyo
Tuwing hatinggabi sa
pag-uuntugang baso
Tampok sa usapan paano mapagkwartahan
Buwis sa tabako,
negosyo at pasugalan.
Ngunit lintik ka Chavit, bakit mo ako
isinabit-?
Himutok ng dibdib lalong naging masakit
Nang nabistong si Atong
pala ay nangupit.
Programa ko sa pabahay tuloy ay nabisto
Di sa mahihirap,
kundi sa mga kabit ko.
Pa-impeach-impeach pa kayo, 'nong akala
n'yo?
Sa senado kaya kayo ay mananalo?
Sa impeachment trial di kayo
nakasisiguro
Gaano man kabigat ng saksi ng prosekyusyon
Alang kwenta lahat
pagdating ng resolusyon.
Labing-isang senador nasa aking panig!
Kung
gusto'y pangalanan ko pa aking mga kabig:
Si John at Tessie na lisa ang
bibig,
Tig-sangmilyong balato, ayos na ang buto-buto
Alang kaduda-duda
kung kangino sila boboto.
Naririyan si Miriam, aking pambato,
Hindi
umuurong kahit na kangino, '
Huwag lang sindakin ng biglaang demo.
Si
Manong Johnny Enrile at bataang Honasan
Mga kakamping lagi kong
maaasahan.
Si Niki Coseteng na umalis kunwari,
Tulad ni Tatad na sa
partido koy bumatsi
Ngunit yan ay bahagi lamang ng panlalansi
Sina Kit at
Niki tiyak sa akin papanig
Sa katotohanan ay hindi sila makikinig.
Kay
Tito Soto ay tiyak-tiyak na ako,
Kay Ka Blas ay hindi rin ako kabado,
Kay
Ramon Revilla, itaga n'yo na sa bato.
Si Jawo ang dapat na bantayan ng
kalaban.
Kapag nag-three point shot, tapos na ang laban.
Yang
impeachment ay para ring sugalan,
Numero lamang ang pinaglalabanan.
At sa
numero't sugal kami ay namber wan,
Tiyak na tiyak ako sa aking
labing-isa,
Kahit na anupamang gawing balasa.
Ngunit ang aking lubos
na ikinakaba
Ay ang lansangang dumadamba.
Prote sta ng sambayanan patuloy
na rumaragasa
Sigaw ng mamamayan dapat ay mag-resign na,
Patatalsikin
kapag di kusang bumaba.
Nasaan na kayo mga dati kong kasangga?
Ano't
iniwan akong nagdurusa?
Atong Ang, nasaan ka hayop ka?
Pareng FPJ, parang
awa mo na,
Saklolo Danding, Tan, Maceda, Imelda at iba pa.
Kaya bago
abutan ng bayang nagngangalit
Baka sakaling pupuwede pang
makapuslit.
Paalam masang aking pinagtaksilan,
Paalam sa bayang
pinangakuan ko ng kasaganaan,
Bakit kasi kayo naniwala sa aking
islogan?
Paalam na rin sa iyo Loi, aking namber wan
Alam ko namang
tiyak na ako'y iyong iiwan.
Jinggoy, Jude, JV, mga anak sa loob at
labas,
magpaalam na rin kayo.
mga kroni, kakosa, kainuman, kasugalan,
kalaguyo
Pare-pareho na tayohg pupulutin sa
kangkungan!