|
UMAABOT sa kabuuang P126 bilyon ang ipapautang ng pamahalaan sa sa
may 80,000 Small and Medium Enterprise (SME) bilang bahagi ng
pangako ng Pangulong Arroyo na makalikha ng anim na milyong trabaho
bago matapos ang kanyang termino.
Ayon sa National Anti-Poverty Commission (NAPC), kabilang sa
maaaring mapautang ay ang mga shopkeepers, grocers, food processors
at yaong mga nasa small and medium-scale business na nakapagsimula
ng negosyo sa pagitan noong 2004 at Marso 2008.
Sinabi ni NAPC Secretary Domingo Panganiban, ang pautang ay
ipapadaan sa pamamagitan ng Small and Medium Enterprises Unified
Lending Opportunities for National Growth (SULONG) Program, na
pinangangasiwaan ng Small Business Corporation (SBC).
Sinabi ni Panganiban na may nauna nang nakautang na mga entrepreneur
sa SULONG Program at nakapagtala sila ng may 2 milyong trabahong
naipakaloob sa mga mahihirap na manggagawa.
“The government had afforded loans amounting to nearly P120 billion
to 58,694 small and medium-scale Filipino entrepreneurs between 2004
and 2007 under the SULONG Program alone, the loans had generated 1.8
million new jobs for poor and low-income workers during the same
timeframe,” ayon kay Panganiban.
Nabatid na naglabas na ng karagdagang P6.2 bilyon noong unang
kuwarter ng 2008 ang pamahalaan para sa 22,085 Filipino
entrepreneurs kung saan 103,120 nabigyan ng trabaho.
Napag-alaman kay Panganiban na ang SULONG loans ay makukuha sa
pamamagitan ng SBC, the Development Bank of the Philippines (DBP),
Land Bank of the Philippines (LBP), Quedan Rural Credit and Finance
Corporation (QUEDANCOR), Philippine Export Import Credit Agency (PHILEXIM),
National Livelihood Support Fund (NLSF) at Social Security System (SSS).
|