|
||
|
|
||
|
|
|
|
|
ANG LAHAT NG SAMAHAN NG MGA BARANGAY Ang lahat ng bayan at baryo sa buong Bansa ay may mga halal na Barangay na pinamumunuan ng mga Kapitan de Barangay na may mga sahod na tinatanggap sa ating Pamahalaan. Napakalaki ng tulong na magagawa ng mga barangay sa mga baryo kung gagampanan ang kanilang mga tungkulin at gagamitin sa kapakanan ng mga mahihirap na baryo. Kung inyong pag-iisipan, ang pag-asa ng ating mga bayan at siyudad sa darating na panahon ay nakasalalay sa mga barangay natin. Ito ang panggagalingan ng ating mga “PAGKAIN” na kailangan ng mga mamamayan sa darating na panahon ng kahirapan at kamahalan ng lahat ng ating mga pagkain. Kung ang mga barangay ay magsisikilos upang tulungan na maisa-ayos na maitatag sa lahat ng baryo ANG SAMAHANG PANG-KABUHAYAN upang mabigyan ang ating mahihirap ng HANAP-BUHAY AT MAKAKAIN sa lugar nila, malaki ang pagbabagong madadala at magagawa nito sa lahat ng bayan at baryo ng Bansa. Marami sa mga taga-baryo ang walang mga hanap-buhay at kung mayroon man, ang kanilang sinasahod ay hindi sapat upang ibili ng hustong pagkain ang kanilang mga pamilya. Marami ang dalawang ulit na lamang kung kumain sa maghapon at ang kanilang mga anak ay nagugutom at humihina ang kanilang kalusugan na pinagmumulan na mga sakit na kadalasan ay hindi din maipagamot ng dahil sa kawalan ng salapi na pambayad sa manggagamot at pambili ng mga gamot. Kung sila ay tuturuan na magsipagtanim na muli ng mga gulay at halaman sa kanilang mga bakuran, tulad ng mga gamit sa pagkain, at mga gulay na makakain, ito ay hindi na bibilhin sa mga palengke at mga tindahan. Talong, upo, patola, okra, sigarilyas, kamote, gabi, ampalaya, tugi, bataw, sitaw, patani, talong, kalabasa, luya, siling palay, papaya, saging, bayabas, kamias, siling palay, kalamansi at marami pang iba. Mga buto nito madaling mahihingi sa mga kapit-bahay at mga kaibigan, o kaya ay dumulog sa malapit na “Bureau of Plant” na nagbibigay ng libreng buto. Mag-alaga, magpalaki at magpadami ng mga hayop na tulad ng manok tagalog, baboy tagalog, kambing, bibi, itik, peking duck, maipagbibili sa bayan at sa siyudad at pagmumulan ng kanilang mga hanap-buhay. Makahihingi ng mga pares nito sa Bureau of Animal Industry o kaya ay sa mga Samahang Sibiko, sa mga “ulirang halal” sa Pamahalaan. May mga pondo na magagamit tulad ng ginawa ng Kabataan sa Tupi, Cotabato. Basahin ang “Nalalaman Ba Ninyo?”sundan sa pahina #10. Kung makikita sa mga kasapi ng “Samahang Pang-kabuhayan” na kanilang kaya ang mga responsibilidad nila, “ANG KIBAKA”. at mga kasapi sa ibang bansa ay tutugon sa pagbibigay ng mga binhing hayop na ipahihiram sa mga sasapi dito ng maipagpatuloy ang layunin nitong “KIBAKA” na pagbabago sa ating mga baryo.
|
| If you have any comments, suggestions, corrections, praises and criticism, please let us know but we will appreciate it more if you can contribute as well. For example, if our statements are wrong, please inform us about the right one. If you think our information is incomplete, please give us the additional one, if there is a broken link please informs us about the error page. If you'd like to join with us, involve with or support KIBAKA, please read and understand the KIBAKA website and our messages. Thank you! |
|
the beginning ||
about us ||
ang KIBAKA ||
a membership call ||
e-book Photo/Video News gallery ||send us your message ||
diagram of the program for change
|