tell the story of our country  after 60 years of independence Booklet of KIBAKA Membership Details - How to Become a Member Ang Tungkol sa KIBAKA - About KIBAKA

Member Registration KIBAKA Members KIBAKA Chapter Chairman Photo/Video News Gallery

Diagram of the Program For Change   Send Us Your Message

KIBAKA - Kilusang Balik Kaayusan para sa Kinabukasan ng ating mga Anak at Kabataan. Ang susunod na Henerasyon ng Bansang Pilipinas.

 

ANG MGA MAGULANG AT MGA GURO

Maraming mahihirap na mamamayan, kung iyong titingnan ang kanilang mga kalagayan sa mga baryo ng ating Bansa. Subali’t kung iyong pag-iisipan, lahat sila ay hindi tunay na mahirap. Kulang lamang sila ng pamamaraan at kaalaman sa buhay. Hindi nauunawaan na ang lahat ng kanilang mga kailangan sa buhay ay sa mga paligid mangagaling, HANAP-BUHAY AT MAKAKAIN. Sa mga baryong ito, sagana ang mga nakatiwangwang na lupa at silang mga naninirahan dito ay hindi kumikilos upang gamitin ang kapaligiran tungo sa kanilang ikabubuhay. Walang nagtuturo, walang namumuno upang simulang pakinabangan ang kanilang paligid.

Kung ang mga magulang, sa bawa’t bahay at ang mga Guro sa lahat ng Paaralan ay

aakayin at tuturuan ang mga lumalaking kabataan, sa kahalagahan ng kapaligiran, maagang matuturuan na matutuhan ang pagtatanim ng mga gulay at halaman, ang pag-aalaga ng mga pares ng mga hayop na palalakihin at padadamihin, lalo na sa mga lugar na binabagyo at hindi makapagtanim ang mga tao, walang dahilan upang hindi magkaroon ng mga Hanap-Buhay at Makakain ang mga taga-baryo sa buong Bansa.

Sa mga matatanda sa baryo, isang magandang libangan ang pagtatanim ng mga gulay at halaman at ang pag-aalaga, pagpapalaki at pagpapadami ng mga hayop sa kanilang mga bakuran. Makakatulong at maagang maigigising at matuturuan ang mga lumalaking kabataan sa kanilang mga responsibilidad at obligasyon na dapat gampanan sa buhay. At ang mga guro sa mga Paaralan, matuturuan ang mga nagsisipag-aral ng pagtatanim ng mga gulay at halaman na pagmumulan ng mga buto at binhi na mga maipamimigay sa mga taga-baryo upang simulang magtanim sa bakuran. Magtayo ng SAMAHANG PANG-KABUHAYAN, patulong sa Kapitan de Barangay upang magtayo ng Kilusang ito. May mga pondo na nakalaan sa mga ganitong Kilusan. Alamin sa inyong mga Barangay kung saan makahihingi ng buto ng gulay at pares ng mga hayop na aalagaan, palalakihin at padadamihin, ang simula na pangagalingan ng inyong mga hanap-buhay.

Kung inyong babalikan sa ala-ala noong mga nakaraang panahon, ang lahat ng mga kailangang pagkain ng mga tao, gulay, prutas at mga hayop, ay buhat sa mga baryo  ng ating Bansa. Dito inaani at pinalalaki ang mga hayop na ating kinakain.  Malinis na mga pagkain, walang bahid ng mga gamot at lason. Ngayon ay nasanay tayo na ang lahat ng ating pagkain ay galing sa mga taniman ng mga malalaking kompanya na banyaga, mga hayop na ang lahat ng binhi, pagkain, gamot at gamit ay gawa ng mga kompanyang banyaga. Naging mahal ang bilihing pagkain, dahil wala ng mga nagtatanim sa bakuran ng mga gulay at prutas, nag-aalaga ng mga hayop na sariling atin, tulad ng manok at baboy na nawawala na at napapalitan ng mga ibang lahi. Hindi ba ito maibabalik na muli, upang bumaba ang halaga ng mga bilihing pagkain at magkaroon ng mga hanap-buhay ang mga naninirahan sa mga baryo? Ibalik natin ang gawaing ito sa mga taga-baryo. Ibalik ang Kaayusan sa buhay ng ating mahihirap na naninirhan sa mga bayan at baryo sa buong Bansa. Magka-isa!

 

 
If you have any comments, suggestions, corrections, praises and criticism, please let us know but we will appreciate it more if you can contribute as well. For example, if our statements are wrong, please inform us about the right one. If you think our information is incomplete, please give us the additional one, if there is a broken link please informs us about the error page. If you'd like to join with us, involve with or support KIBAKA, please read and understand the KIBAKA website and our messages. Thank you!

To know More About KIBAKA's Goals and Mission, Please Subscribe to KIBAKA Newsletter

Powered by groups.yahoo.com

 

the beginning || about us || ang KIBAKA || a membership call || e-book
newsletter || member registration || KIBAKA members || KIBAKA Chapter Chairman 

  Photo/Video News gallery ||send us your message || diagram of the program for change
exclusive reply from our government officials
inspiring letters of anybody who supports KIBAKA movement



390 Dixon Rd. Suite#315, Etobicoke Ontario M9R 1T4 Canada

Join KIBAKA - Baguhin ang bansa para sa kinabukasan ng inyong mga apo at mga anak!