tell the story of our country  after 60 years of independence Booklet of KIBAKA Membership Details - How to Become a Member Ang Tungkol sa KIBAKA - About KIBAKA

Member Registration KIBAKA Members KIBAKA Chapter Chairman Photo/Video News Gallery

Diagram of the Program For Change   Send Us Your Message

KIBAKA - Kilusang Balik Kaayusan para sa Kinabukasan ng ating mga Anak at Kabataan. Ang susunod na Henerasyon ng Bansang Pilipinas.

 

ANG MGA SAMAHANG SIBIKO SA ATING MGA BAYAN

Napakadaming mga Samahang Sibiko sa bawa’t bayan ng ating Bansa, na ang kanilang layunin ay tumulong sa mga kapwa tao. Subali’t kadalasan, ang mga ito ay nauuwi sa mga sosyalan at kasayahan lamang. Kumikilos lamang kapag mababalita at malalagay sa mga pahayagan ang larawan ng kanilang mga gagawin. Bakit kayo ay hindi magusap-usap, kung papaano sa panahong  ito na malaki ang maitutulong sa paglutas ng mga siliranin ng ating mga anak at kabataan na nagsisilaki na hindi alam ang kanilang kinabukasan. Maiiwas sa mga barkadahan at paghitit ng druga, maturuan at mabigyan ng mga gawaing pakikinabangan sa kanilang buhay, malayo sa pag-istambay dahil may pinagka-kaabalahan na magagandang gawain. Marami ang nakalilibang at makatutulong na gawain na mahahayag at magbibigay ng magagandang balita at larawan ng kanilang ginagawa sa mga Pahayagan.

Isang halimbawa ay ang “Vegetable Gardening Club”, na magandang itatag at ang mga “Fruit Bearing Seedling Bank”, Native Pig and Poultry Raising Club” kung saan ang mga kabataan ay maaanyayahan na sumali upang turuan ng pagtatanim ng mga gulay at halaman, pagpapatubo ng pinasangang bungang kahoy, pag-aalaga at pagpapadami ng mga ating sariling hayop, na ipahihiram sa mga sasapi upang ito ay pagsimulan ng kanilang hanap-buhay subali’t magbabalik ng isang pares din ng kanilang nanganak na alagang mga hayop upang ipahiram sa ibang mga nais sumapi. Ang mga Kasapi sa Mga Samahang Sibiko, tumangkilik kayo ng isang “Kamag-anak, Kapit-bahay o Kaibigan”. Bigyan sila ng mga buto ng gulay at halaman na maitatanim sa kanilang mga bakuran, mga pina-sangang bungang kahoy na madaling tumubo at magbunga, mga pares ng mga sariling ating hayop tulad ng mga manok tagalog, baboy tagalog, itik, bibi, pato, peking duck, kalapati at kambing na maalagaan at padadamihin lalo na sa mga lugar na binabagyo. Makatutulong sa pagpapababa ng halaga ng mga bilihing pagkain sa darating na panahon. Malaking tulong sa bawa’t pamilya, may pagkukunan ng hustong pagkain para sa kanilang mga anak, hindi na bibilhin, malinis na pagkain, walang bahid ng  kemikal na pataba, gamot at hormone. Ang lalabis sa ani ay maipagbibili sa iba.

Sa mga kasapi sa Samahang Sibiko na may mga maluluwang na bakuran, magtayo,  ipagamit ang bakuran sa mga “Youth Club” sa pagsisimula ng mga pagtatanim ng mga gulay at halaman sa ilalim ng inyong pamumuno. Libangan para sa inyo, tulong para sa mga kabataan na inyong masisinop, matuturuan, kasama ng inyong mga sariling mga anak ng magandang pagsasamahan sa isa’t-isa, masasanay sa mga responsibilidad at obligasyon sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga kapwa tao. Hindi ninyo naiisip na wala ng pagkukunan sa darating na panahon ng makakain dahil wala ng lupang taniman sa inyong mga lugar. Ang inyong pag-asa sa malinis na makakain ay ang aanihin na mga gulay at aalagaan na mga hayop na magbubuhat sa mga baryo ng Bansa. Dito aasa ang lahat sa  kakainin sa darating na kinabukasan. Bakit hindi gayakan ang malapit ng panahon sa hinaharap bago mahuli ang lahat. Simulang magtanim ng gulay at mag-alaga ng hayop na pagkain.

TUMANGKILIK NG ISANG KAMAG-ANAK, KAPIT-BAHAY O KAIBIGAN

 

 
If you have any comments, suggestions, corrections, praises and criticism, please let us know but we will appreciate it more if you can contribute as well. For example, if our statements are wrong, please inform us about the right one. If you think our information is incomplete, please give us the additional one, if there is a broken link please informs us about the error page. If you'd like to join with us, involve with or support KIBAKA, please read and understand the KIBAKA website and our messages. Thank you!

To know More About KIBAKA's Goals and Mission, Please Subscribe to KIBAKA Newsletter

Powered by groups.yahoo.com

 

the beginning || about us || ang KIBAKA || a membership call || e-book
newsletter || member registration || KIBAKA members || KIBAKA Chapter Chairman 

  Photo/Video News gallery ||send us your message || diagram of the program for change
exclusive reply from our government officials
inspiring letters of anybody who supports KIBAKA movement



390 Dixon Rd. Suite#315, Etobicoke Ontario M9R 1T4 Canada

Join KIBAKA - Baguhin ang bansa para sa kinabukasan ng inyong mga apo at mga anak!