Mistulang palengke na dinadagsa ang maliit na karinderya sa tuwing
sasapit ang tanghali at gabi kung saan nag-aagawan ang mga costumer
nito na makaunang makaupo sa makakain ng pagkain.
“Maliban sa sinisiguro naming na malinis ang mga karne, isda at mga
gulay ay pinagbubutihan namin ang pagluluto upang mapasarap ang
pagkain,” ayon pa rito.
Bunsod ng paglaki ng sinimulang negosyo nito ay umupa ng isa pang
lugar si Aling Ellen na ginawa nitong ektensyon ng karinderya na
pagsapit naman ng gabi ay nagsisilbi ring videoke bar ng karamihan na
pawang mga empleyado rin.
Sa maikling panahon na naging puhunan nito ang sipag at tiyaga ay
hindi na nararamdaman ni Aling Ellen ang kahirapan sa kabila ng
binabayarang upa sa karinderya at bahay na P21,000 sa isang buwan
dahilan sa sapat na kita nito sa negosyo.
Sa edad na 43-anyos ay ramdam na ni Aling Ellen ang tamis ng tagumpay
nito sa pagnenegosyo kung saan sinabi pa nito sa Abante na hindi pa
pumapasok sa isip nito na tumigil sa pagnenegosyo.
Hindi naman nakakalimot sa Diyos ni Aling Ellen kung saan maliban sa
pananalangin ay nagawa nitong ibalik ang grasya sa kalangitan sa
pamamagitan ng pamamahagi ng biyaya.
Ilang kabataan mula sa mga lalawigan ng Pangasinan at Ilocos region
ang kinupkop nito at binigyan ng trabaho na nagbigay ng malaking
tulong sa mga ito para mabuhay ng maayos.
Wala na ngang mahihiling pa sa buhay ni Aling Ellen sa dinaranas
nitong tagumpay sa sarili kung saan makailang beses nang pumasok sa
isip nito na mangibang bansa para makapagbakasyon at bigyan ang sarili
ng oras.
Naniniwala ito na hindi dapat umasa sa pamahalaan ang sinuman para
umunlad sa sarili kung saan ang pagtitiyaga at sipag ang tanging
puhunan upang maging matagumpay sa sarili.
|